Abante Tonite Interactive

Bela walang atrasan kay Marian

953

Umalis kahapon si Bela Padilla at lumipad mag-isa papuntang Estonia.

After kasing mag-compete ng pelikula niyang “Mañanita” sa 32nd Tokyo International Film Festival sa Japan ay magko-compete naman ito sa Rebels With A Cause section ng 23rd Tallinn Black Nights Film Festival sa Estonia.

Solo flight si Bela dahil after a few days pa susunod sa kanya roon ang direktor ng “Mañanita” na si Direk Paul Soriano.

Ang Estonia ay isang bansa sa Northern Europe na dating parte ng Russia. It borders the Baltic Sea and Gulf of Finland.

First time doon ni Bela, so mag-iikot-ikot daw muna siya at baka mag-Finland daw siya for a while bilang kalapit nga lang ang Finland ng Estonia.

Anong status ng love life ngayon ni Bela?

“Still single. Single forever,” sagot ng 28-anyos na aktres, na gumaganap bilang isang ex-military sniper sa “Mañanita”.

Nakikipag-date ba siya?

“Hindi rin po. Happily single.”

Malay niya, may ma-meet siya sa Estonia? Estonian pala ang itinadhana sa kanya?

“Malay natin, pag-uwi ko pala, ‘May ikukuwento po ako sa inyo!’ Oo, baka naman. Ipu-post ko agad-agad kung meron,” napapangiting pakli ni Bela.

Open ba siya roon na baka foreigner pala ang bagay sa kanya?

“Actually, parang feeling ko nga, mas doon ako bagay. Kasi, very straightforward ako magsalita, very opinionated. So, baka naman.”

At saka may lahi rin naman siyang banyaga (half-British si Bela), ‘di ba?

“Nananawagan po ako sa mga taga-Estonia. Ang pila po, sa audience entrance. Wow!” pabirong hirit ng natatawang si Bela.

Malay niya, ‘di ba?

“Tingnan po natin. Wala pa naman siya sa listahan ko.”

Ready ba siya sa LDR (long distance relationship) kung sakali?

“Ready ba sila? Charot!! Hindi ko po alam, tingnan po natin.”

Samantala, sinabi nga pala ni Bela na willing siyang makatrabaho si Marian Rivera, na matatandaang nagkaroon ng isyu sa kanya noong nasa GMA pa siya, ang sagot ni Bela ay, “Yeah, why not, why not?”

Dugtong niya, “I’m not sure if she does movies right now or… yeah, why not?”

Nagtagpo na ba ang mga landas nila ni Marian?

“Yes, yes, several times in events, yeah. We always say hi naman,” nakangiting sey ni Bela.

Sa December 4 ang showing in cinemas nationwide ng “Mañanita” mula sa Ten17P at Viva Films. (Allan Diones)