Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Belangel, Ateneo buhos galit vs FEU

0 78

Positibo pa rin ang pananaw ni Sam Josef ‘SJ’ Belangel na makakabawi ang defending champion Ateneo Blue Eagles sa pagkapahiya’t dismaya sa 84-83 upset loss sa UP Fighting Maroons sa wakas ng 84th University Athletic Association of the Philippines 2022 men’s basketball tournament second round eliminations.

Ang senaryong iyon sa Mall of Asia Arena sa Pasay Linggo ng gabi ang bumulilyaso rin sa ADMU na mag-outright finalist at lumagot sa 39-game winning streak sa liga mula pa noong Oktubre 2018.

Kaya sa pagdaan pa sa semifinals kahit may twice-to-beat edge, tiyak na ibubunton ng No. 1 seed Loyola Heights-based dribblers ang ngitngit kontra fourth seed FEU Tamaraws na makakaharap sa Miyerkoles.

“Syempre at first, ‘di kami masaya siyempre kasi its our first loss in a long time, and we just have to- nu’ng pagkapasok namin (in dugout), we just cheered each other up kasi di pa naman ‘to tapos,” sey ni Belangel na umiskor ng 11 points.

Hinirit pa niyang pinakalma ang team ni coach Thomas Anthony ‘Tab’ Baldwin sa masaklap na pagkatalo, kasama ang pagkaputol ng ragasa. Pero motibasyon sa kanila na gumawa ng panibago kaya bubuwelta siya at mga kasama.

Inako naman ni Ateneo coach Baldwin ang pagkasapaw sa State U at sinaluduhan ang mga basketbolistang taga-Diliman. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.