Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Belangel bida sa milagrong 3 : Gilas tinaob ang Korea

0 146

Laro bukas (AUF Gym)
6 pm – PH vs. Indonesia

Ibinaon ni SJ Belangel ang wala na sa pormang 3-pointer sa final second at tinakasan ng Gilas Pilipinas ang South Korea 81-78 Miyerkoles ng gabi sa unang laro ng third at final window ng 2021 FIBA Asia Cup Qualifiers sa AUF Gym sa Angeles City.

Kinailangan pang umahon ng Nationals mula 17-point down sa second quarter bago kinumpleto ang come-from-behind win.

Nakasungkit ng and-1 play si naturalized center Ange Kouame para ilayo ang Filipinos 78-75, pero mabilis na sumagot ng 3 si Hyunjung Lee para ibuhol sa huling pagkakataon 78-78.

Sa katiting na 02.2 seconds na naiwan, tumawag ng back-to-back timeouts si coach Tab Baldwin para i-krokis ang huling play.

Inbound si Dwight Ramos, tinanggap ni Belangel ang bola. Nagawa pa niyang pumeke, umangat at patagilid nang sinipat ang rim bago pinakawalan ang off-balance shot.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Bumanda ang bola bago nahulog sa net at nakasiguro ang Pilipinas ng slot sa Asia Cup sa Indonesia sa August.

Mabilis ang balasa ni Baldwin, limang Filipinos ang umiskor ng 10 pataas sa pangunguna ng 16 ni Ramos. Tumapos ng 13 si Belangel.

Mintis ang unang dalawang tira sa labas ng arc ni Kouame, pumasok ang sumunod na tatlo tungo sa 12 points na sinahugan ng 6 rebounds.

Mainam ding 11 points at 7 boards ang inambag ni Kai Sotto, 3 for 4 sa long range si Carl Tamayo tungo sa 10 points.

Namuno sa Korea ang game-high 24 points at 15 rebounds ni Ra Gun-ah.

Inumpisahan ng Koreans ang second quarter sa 12-4 run para umabante 33-16. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.