Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Belangel puyat sa winning 3

0 109

Hindi nakatulog sa sobrang ligaya si Gilas Pilipinas guard SJ Belangel nang maipasok ang buzzer-beating three-pointer na nagpaungos sa Nationals kontra South Korea, 81-78, sa FIBA Asia Cup Qualifiers sa AUF gym sa Angeles City Miyerkoles.

“Actually sa sobrang saya, hindi ako nakatulog masyado. Hindi pa rin ako makapaniwala, pero sobrang saya at ang ganda ng gising ko. Nagiging-Joker na po (ang mukha ko) kaka-smile ko,” ani Belangel Huwebes sa CNN Sports Desk.

Sey pa ng 22-year-old at 5-foot-10 guyard na tumapos ng 13 points, 5 rebounds at 2 assists, “That moment yesterday ito na yata ang pinaka-memorable sa career ko.” Hinirit na kailangan pang kumayod ng Pinoy quintet upang ma-sweep ang last two games.

“Having that debut, sobrang saya pero there’s a lot to improve pa. Every time you step in the court kailangang may matutunan ka individually (and) as a team. Marami pang kailangang i-improve,” panapos niyang wika. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.