Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Belen, 22 iba pa swak sa volley training pool

0 83

Pangungunahan nina Mhicaela Belen, Faith Janine Shirley Nisperos at Ejiya Laure ang 23 collegiate stars na bubuo sa national women’s indoor volleyball training pool na paghuhugutan ng team para sa 7th AVC Cup for Women sa Agosto 21-26 sa Philsports Arena sa Pasig.

Inanunsyo Biyernes ng Philippine National Volleyball Federation Biyernes, na 21 volleybelles ang mula sa University Athletic Association of the Philippines at dalawa ang sa California Precision Sports.

Si Belen ang unang Rookie of the Year-Most Valuable Player ng katatapos na 84th University Athletic Association of the Philippines women’s volleyball tournament bukod pa sa pagiging First Best Outside Spiker sa paghatid sa NU Lady Bulldogs ng unang korona sa 65 taon.

Second Best Outside Spiker naman si Nisperos ng Ateneo Blue Eagles na tumersera samantalang scoring queen si Laure ng ligang nagwakas nitong Hunyo 21 kahit fourth placer lang ang Santo Tomas Growling Tigers.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Swak din sa pool sina Alyssa Solomon, Lams Lamina, Ivy Lacsina, Jennifer Nierva at Kamille Cal ng NU; Vanie Gandler at AC Miner ng ADMU; Imee Hernandez at Bernadett Pepito ng UST; Thea Gagate, Leiah Malaluan, Fifi Sharma, Leila Cruz, Jolina dela Cruz at Marrionne Alba ng La Salle Lady Spikers; Trisha Genesis at Louie Romero ng Adamson Lady Falcons; Alyssa Bertolano ng UP, at Casiey Dongallo at Jelaica Gajero ng CPS.

Naging malaking aral sa PNVF ang pagpang-apat lang ng PH 6 sa 31st Southeast Asian Games sa Vietnam noong Mayo, at ‘di pa mahuhugot ang mga pro volleybelle dahil sa pagbubukas ng 2nd Premier Volleyball league sa Hulyo 9.

Kinukunsidera ni PNVF president Ramon ‘Tats’ Suzara na maging bet na rin ng bansa ang team para sa 2023 Cambodia SEA Games kung makapagpasiklab sa AVC Cup. (Gerard Arce)

Leave A Reply

Your email address will not be published.