Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Belen dedma sa diskriminasyon

0 177

Kahit nakakatanggap ng diskriminasyon mula sa ‘male dominated sport,’ dedma ito kay TNT assistant coach Maureen Kris ‘Mau’ Belen.

Nabigyan ng oportunidad na maging unang female coaching staff member sa isang PBA team, parte ng coaching staff ni Trpang Giga coach Vincent ‘Chot’ Reyes.

Bilang isang babae, aminado si Belen na hindi siya nakakaiwas sa pangmamaliit.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“I think hindi na ‘yun mawawala. We live in a world na you’re free to judge and sometimes ‘yung judgment natin hindi na natin pinag-iisipan. We just talk, talk, talk kahit wala ng basehan,” sambit niya kay Abante Sportalakan host Sarah Jireh Asido.

Dinugtong pa niyang, “Of course, they judge you on your knowledge kahit hindi pa nila nakikita ang kaya mong gawin, they judge you the way you look, they judge you on the way you dress, those things, it happens like not just to me but to everyone else na nagta-thrive and wants to enter this male dominated sport.” (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.