Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Belen na-starstruck kina Castro, Rosario

0 253

Hindi itinanggi ni TNT assistant coach Maureen Kris ‘Mau’ Belen na na-starstruck siya nang unang makita‘t makasalamuha ang ilang pambato ng Tropang Giga gaya nina Jason Castro, Jeth Troy Rosario, at Kelly Williams.

“Pagpunta ko sa first practice 5-10 seconds akong na-starstruck pagkita ko kina Jason, Troy,at Kelly,” pag-amin ng unang babaeng coach sa pro league Lunes kay Abante Sportalakan host Sarah Jireh Asido.

Pero nang makausap na aniya ang tatlong ay naging normal na ang lahat sa kanya.

SM food to go Banner Ad

“They’re just basketball players. Kala mo you can’t talk to them, ‘di mo puwedeng utusang pumulot ng bola, but no, mga hardworking player sila, marespeto at mapalad akong napabilang sa team. I was lucky to be on the group.”

Inamin din niyang, kahit na 9am na siya pinapapunta sa praktis, 7am pa lang aniya ay nasa area na siya.

“Ganun ako ka-kabado, ka-ready,” panapos niya. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.