Abante Tonite Interactive

Belga gulantang sa F2

0 219

NAPAAGA ang exit ni Beau Belga sa laro ng Rain or Shine at Phoenix nitong Miyerkoles.

Mula sa 10:48 mark ng second quarter, pumasok na siya ng dugout sa Cuneta Astrodome at ‘di na bumalik sa laro.

Natawagan si Big Beau ng flagrant foul 2 at na-eject nang masiko si Jason Perkins.

Bagsak si Perkins, pagtayo ay tinulak naman ang Elasto Painters big man. Na-technical din si Perkins dahil sa second motion.

‘Di inasahan ni Belga na ganun kabigat ang ibibigay sa kanya.

“Expected ko F1. F2, medyo dun ako nayari. Pero wala akong magagawa dun, eh. Sabi ko nga. It’s their judgment. They are the referee,” ani Belga.

Natalo ang Painters 86-84, naka-isang rebound lang si Belga at 0 of 2 sa field sa loob ng 5:53.

“Nagse-set siya ng screen sa akin. I was like, kumbaga ako, para ‘di na maulit, susubukan ko sindakin,” paliwanag ng center. “Eh nagkataon na tumama ‘yung ganun, hindi ko ini-expect na F2.”

Ang regret lang daw niya ay isa siya sa veterans na dapat mamumuno sa team, pero nawala siya sa court.

“Frustrated on my part, kasi alam ko may maitutulong ako, eh. ‘Di ka naman puwedeng mag-argue na dun,” lahad pa ni Belga. (VE)