Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Belga hanap ng kaaway

0 77

ISANG buwan pa bago ang target date na restart ng Philippine Cup, may isang bagay nang hinahanap-hanap si Beau Belga.

Katunayan, hindi nga raw makukumpleto ang gabi ng Rain or Shine big man dahil may kulang sa bawat laro – ang audience.

Pero fans pa ng ibang team ang hinahanap niya.

“Malungkot ako kasi walang Ginebra fans,” ani Belga, nakangiti. “Wala akong kaaway.”

Siyempre, biro lang ni Big Beau ang pagsasabing kaaway niya ang fans ng pinaka-popular na team sa PBA.

Guest ang bruskong big man sa Sports Page kamakailan, napag-usapan ang pagbabalik ng liga na natigil noong March 11 dahil sa coronavirus.

Hindi naman nang-aaway si Belga, pero hindi nagpapaapi. Namamaril nga siya, virtual.

Kapag pumasok ang tira lalo sa mga krusyal na sandali, nilalabas ni Belga ang dalawa niyang ‘imaginary pistols’ at namamaril sa audience. Madalas, sa direksiyon ng kinauupuan pa ni Commissioner Willie Marcial ang patama niya.

Dahil siya ang pahirap sa kalabang team, alagang pagdiskitahan ng fans si Belga. Nakikipag-alaskahan din siya, pero hindi napipikon. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.