Abante Tonite Interactive

Belga ingat kina Fajardo, Tautuaa

477

Hindi papayag si Beau Belga na maagaw agad-agad ang titulo niya sa Obstacle Challenge ng Skills Competitons ng PBA All-Stars.

Tulad noong isang taon, puro bigs din ang kasali sa Obstacle.

“Siyempre pinaghirapan ‘yun, kaya ipaglalaban,” pakli ni Big Beau.

Noong isang taon at ngayon, pareho lang daw ang goal niya.

“Huwag lang ako ma-out sa first round, okay na ako,” aniya.

Sino ang tingin niya ang katunggali na magbibigay ng matinding challenge?
“Wala na si Poy (Erram), tingin ko si Mo (Tautuaa). Si June Mar (Fajardo),” pabirong hirit ni Belga. “Tingin ko deserving lahat. ‘Di puwede balewalain, marurunong naman mga ‘yan.”

Bukod sa mga nabanggit ni Beau, kasali rin sa contest sina Yousef Taha, Noy Baclao, Justin Chua, Russel Escoto, Rafi Reavis, Brian Faundo at Prince Caperal. (Vladi Eduarte)