Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Belga nasa radar pa ni Guiao

0 204

Naghahanap pa rin ng big man ang NLEX, ayon sa isang source ay hindi nawawala sa radar ni coach Yeng Guiao si Beau Belga ng Rain or Shine.

“Pupursigihin nila si Belga,” pahayag Linggo ng source.

Nabanggit ni Guiao noon pang kaagahan ng taon na kursunada niya sina Vic Manuel at Belga.

Natengga lang ang usapan dahil gusto ng Elasto Painters si Road Warriors center Raul Soyud sa halip na ang offer ng NLEX na sina Kris Porter at Frank McAloney.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Iba na circumstances noon at ngayon, and Rain or Shine could be more amenable,” paliwanag pa ng impormante.

Nag-expire noong Oct. 30 ang kontrata ni Big Beau sa Painters, hindi pa pinipirmahan ng bilugang center/forward ang bagong offer ng team.

“May terms kasi doon sa (bagong) contract na ayaw ni Belga, malamang gusto ng (RoS) management makakuha ng kapalit sa halip na have him sit it out at least for the next conference,” dagdag ng source.

Naka-isang conference lang sa Phoenix si Manuel, nai-trade sa NorthPort para kay Sean Anthony pero agad ding pinamigay ng Batang Pier sa San Miguel Beer kapalit ni Arwind Santos. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.