Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Belga-Oftana trade ‘da end’

0 251

Dati nang may naglabasang report na inilawit ng Rain or Shine si Beau Belga sa one-on-one trade kay Calvin Oftana mula NLEX.

Counter-offer ‘yun matapos ipain ng Road Warriors sina third-year Kris Porter, incoming sophomore Will McAloney at future draft pick para sa 34-year-old veteran big na si Belga.

Pero hindi kumagat si NLEX coach Yeng Guiao.

“Hindi naman magkatapat,” paliwanag Linggo ni Guiao sa Belga-Oftana trade.

Kay Guiao rin nahasa ang PBA career ni Belga

SM food to go Banner Ad

“Although importante rin si Beau, siyempre ‘yung rookie mas mura,” may halong birong lahad ng coach. “Mas matagal mong magagamit. It’s not really about ‘yung ability lang although Oftana has plenty of it.”

Third pick overall ng NLEX si Oftana noong nakaraang March draft.

Nasa wishlist dati ni Guiao sina Vic Manuel, Justin Chua at Belga. Pero nai-trade si Manuel sa Phoenix at muli ring pumirma si Chua sa Fuel Masters kaya naiwan sa mesa si Belga.

“Actually kakailanganin mo si Beau kasi nandiyan na sina June Mar (Fajardo), (Greg) Slaughter, Christian (Standhardinger),” panapos na hirit ni Guiao. “Kaya lang, kung makukuha mo si Beau tapos i-gi-give up mo naman si Oftana, parang hindi ka nag-advance, nag-improve.” (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.