Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Belga, RoS todo handa vs NLEX

0 76

Mga laro ngayon (Ynares Arena-Pasig)
11 a.m. – Opening ceremonies
12:30 p.m. – Alaska vs. Blackwater
3 p.m. – Rain or Shine vs. NLEX
6 p.m. – Meralco vs. NorthPort

Hanggang kahapon sa bisperas ng PBA Season 46 opening, nag-praktis pa ang Rain or Shine.

Inihanda nang husto ni coach Chris Gavina ang kanyang Elasto Painters bago isagupa sa NLEX sa second game ng Philippine Cup triple-header mamayang alas-3:00 nang hapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Si dating De La Salle big man Santi Santillan ang highest pick ng RoS noong March, kinuha sa No. 5.

Sa second round, puro guards ang pinik-ap kina Fil-Am Franky Johnson (17th overall), Anton Asisitio ng Ateneo (22nd) at isa pang ex-Archer na si Andrei Caracut.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Buo pa ang veteran core ni Gavina kina Beau Belga, James Yap, Gabe Norwood, Javee Mocon, Rey Nambatac at Norbert Torres.

Nasa kanyang unang conference si Gavina, pumalit kay coach Caloy Garcia.

“Coach Gavina’s style is totally different from coach Caloy’s,” ani NLEX coach Yeng Guaio. “We’ll just have to make adjustments as the game unfolds.”

Isasagupa ng Road Warriors sina Kiefer Ravena, Kevin Alas, JR Quinahan. Malaki rin ang inaasahan ni Guiao sa kanyang rookie na si Calvin Oftana. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.