Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Belga wapakels kahit ma-trade

0 252

Mainit ang usapan na nag-uusap ang NLEX at Rain or Shine para sa isang trade.

Gustong kunin ng Road Warriors si Beau Belga, ipapalit sa Elasto Pinaters sina Kris Porter at Will McAloney.

“Kung meron silang ganu’n (usapan), wala akong idea,” pakli ng 14-year veteran baller Huwebes. “Wala akong control du’n.”

Mahalagang piyesa pa rin ang 6-foot-5 big man sa kampanya ng Painters. Seventh pick ng Purefoods noong 2008 si Belga, nakapaglaro rin sa Burger King/Air21 at Meralco bago nalipat sa RoS noong 2011.

Sa Painters nagkampeon si Belga sa ilalim ni coach Yeng Guiao sa 2012 Governors at 2016 Commissioner’s Cups ng PBA.

Sa ilalim ni Guiao, nakilala sina Belga at JR Quinahan bilang Extra Rice, Inc. Silang dalawa ang enforcers noon ng Rain or Shine, nabigyan din ng go-signal para tumira sa labas ng arc.

Pagkatapos ng huling championship, lumipat ng NLEX si Guiao. Kaya malakas ang ugong dahil sa pinagsamahan nina Guiao at Belga.

Tangay din ni Guiao si Quinahan.

“Ako wala namang problema sa akin. Pero … hindi na ako bata. Gusto ko lang peace of mind, na kahit paano may kontrata pa akong darating,” panapos na lahad ni Belga, 34. “Baka mamaya ma-injured tayo, then bigla tayong malimutan. Ayaw naman natin ‘yun.” (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.