Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Belgica iniligaw lang kinakaharap na korapsyon

0 97

Tilaw iniligaw lamang umano ni Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Commissioner Greco Belgica si Pangulong Rodrigo Duterte sa paglalabas ng mga pangalan ng sangkot sa katiwalian sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ayon kay Alexander Sablan, dating presidente ng United Workers of Duty Free Philippines, gusto lamang ni Belgica na pagtakpan ang mismong isyu ng korapsyon sa PACC na isinampa ng kanilang grupo.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Niligaw ni PACC Commissioner Greco Belgica ang Pangulo at ang taong bayan sa listahan ng mga mambabatas na ibinigay niya para lang pagtakpan ang korapsyon isyu laban sa kanya,” ani Sablan.

Matatandaan na sinampahan ng grupo ni Sablan ng kasong graft and corruption si Belgica sa Office of the Ombudsman dahil umano sa pagbalewala nito sa kanilang reklamo sa PACC laban sa katiwalian sa loob ng Duty Free Philippines.

Sa halip umano na magpalabas ng mga pangalan ng mambabatas na wala naman aniyang basehan, mas nararapat na sagutin umano ni Belgica ang mga paratang laban sa kanya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.