Abante Tonite Interactive

Bella Thorne walang takot nagpasilip ng nude photo sa Twitter

642

Nakita ang aktres, model, singer, author na si Bella Thorne noong Linggo na dumating sa Los Angeles International Airport.

Nanggaling siya sa New York dahil sa pagpo-promote ng kanyang bagong koleksyon ng mga tula… “The Life of a Wannabe Mogul: Mental Disarray.”

Nabiktima ng computer hacking si Bella. Inilabas nito ang mga hubo’t hubad na larawan ng kanyang sarili sa Twitter noong Sabado. Sinabi ng 21-anyos na dating Disney star na si Bella na bago ilabas ang kanyang larawan ay binantaan na siya ng hacker na kanyang ilalabas ang mga larawan sa loob ng 24 na oras.

Sinabi pa nito na hindi na siya mapakali dahil tila laging may nagbabantay sa kanyang mga galaw. Nagawa pa niyang i-post ang screenshot ng number ng hacker sa kanyang social media account para mabalaan ang kanyang mga tagahanga.

Sinabi ni Thorne na ang sinasabing hacker ay sinisiyasat na ng FBI.

“For the last 24 hours I have been threatened with my own nudes. I feel gross, I feel watched, I feel someone has taken something from me that I only wanted one special person to see,” isinulat niya sa caption ng mga inilabas niyang mga topless photos.

“For too long I let a man take advantage of me over and over and I’m f**king sick of it. I’m putting this out because it’s my decision. Now you don’t get to take yet another thing from me. I can sleep better knowing I took my power back. You can’t control my life, you never will,” dagdag niya na may pagbabanta.

Si Thorne ay hindi ikinahihiya ang paggamit ng social media sa mga nakaraang taon upang ituwid ang balita at usap-usapan tungkol sa kanyang sekswalidad.

“I’m, like, an open book. But that’s what I think that my fans enjoy about me the most, is that they feel like they really know me. And they do, they really f**king know me,” aniya. (Lourdes Fabian)