Abante Tonite Interactive

Bellinger 2 beses niyakap ng babae

247

Ano bang meron kay Los Angeles Dodgers slugger Cody Bellinger?

Sa dalawang magkasunod na araw, natigil ang Dodgers game dahil sa female fan na tumakbo sa field para yakapin ang right fielder.

Una noong Linggo sa Dodger Stadium, isang batang babae ang tumakbo sa field at niyapos si Bellinger. Pagkatapos ng insidente na nasapul ng liner ni Bellinger ang isang batang babae sa stands sa 5-4 win kontra Colorado Rockies.

Lunes, dumayo ang Dodgers sa Chase Field sa Arizona at ganun ulit ang nangyari. Sa eighth inning kontra Diamondbacks, isang babae na naman ang nagtatakbo para yakapin din si Bellinger.

“Di kinasuhan ang babae sa Los Angeles incident dahil minor pa.

Ang babae sa Chase Field, inaresto dahil sa disorderly conduct at trespassing. Binigyan pa siya ng indefinite ban sa Chase Field.

Para kay Bellinger, ‘di niya inisip na balak siyang saktan ng babae sa Arizona dahil tulad ng fan sa Los Angeles, may hawak din itong cellphone. Nagpaalam pa raw ang babae na yayakap bago nakalapit ang security para ilabas siya ng field.

“I had a feeling it was definitely a possibility just because it kind of blew up on social media,” ani Bellinger tapos ng laro noong Lunes. “I’m just trying to play a game. I don’t think I should have to worry about who was going to come on the field and whatnot?” (VE)