Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bello hugas-kamay sa endo

0 32

Isinisi ni Labor Secretary Silvestre Bello III sa mga labor group kung bakit na-veto ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang batas na magwawakas sa kontraktuwa­lisasyon sa bansa.

Ayon kay Bello, 2019 pa lamang ay sinertipikahan nang ‘urgent’ ng Pa­ngulo ang anti-endo bill, na kapwa na aprubado ng Kamara at Senado.

Handa na raw sanang pirmahan ito ni Pangulong Duterte upang maging ganap na batas ngunit ilang labor group ang nagprotesta laban dito.

“As early as 2019, he certified (as urgent) the endo bill in Congress, which was approved by the House of Representatives and the Senate. He is ready to sign the law but some labor groups have protested, they do not like the endo bill that was passed by Congress, on that basis our President vetoed it,” pahayag ni Bello sa PNA report.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa ngayon ay umaasa silang sesertipikahang ‘urgent’ ni Pangulong Duterte at wala nang kokontra sa panukalang ‘Security of Tenure’ at ‘End of Endo Act’, na wala aniyang halos pinagkaiba sa na-veto ng punong ehekutibo.

“The only thing is what could be contracted by employers. The provisions of the bill approved by Congress are good,” wika ni Bello.

“We will ask him to certify it. I’m confident that he will certify it. Hopefully, this will pass. Hopefully, no one will complain,” dagdag niya. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.