Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bello kinana ng agaw-cellphone

0 208

Walang sinisino ang mga isnatser sa Maynila dahil maging si Labor Secretary Silvestre Bello III ay kanilang kinana.

Maagap namang naaresto ng mga tauhan ng Manila Police District-Theft and robbery Section ang dalawa sa apat snatcher nang-agaw ng cellphone ng opisyal sa isinagawang follow-up operation kahapon sa Quiapo, Maynila.

Ang mga suspek ay kinilala ng MPD-PS 5, ngunit pansamantalang di pinangalanan dahil sa pagiging menor de edad pa ng mga ito na nakorner sa may Elisondo St, Quiapo, Maynila.

Dinakma ang dalawa pasado alas-4:30 ng hapon ng mga tauhan ni MPD-TRS Chief PMaj Joselito de Ocampo.

Hinablot ng mga binatilyo ang cellphone ni Bello sa bisinidad ng Manila City hall at Mehan Garden noong Biyernes habang binubuksan nito ang salamin ng kanyang sasakyan hawak ang kanyang i phone 11.

Nabigo naman ang mga pulis na mabawi ang cellphone ni Bello na sinasabing ibinenta na ng mga suspek. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.