Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bello nagbabala ng OFW ban sa Saudi

0 39

Bibiyahe patungong Saudi Arabia sa susunod na linggo si Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III kaugnay sa isyu ng mga hindi nabayarang suweldo ng mahigit 9,000 overseas Filipino worker.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na kakausapin ni Bello ang mga opisyal sa Kingdom of Saudi Arabia para ibigay na ang mahigit P4 bilyong suweldo ng mga manggagawang Pinoy na hindi naibigay ng kanilang mga employer.

Nauna rito, inihayag ni Bello na pinag-aaralan na ng kanyang tanggapan, kasama na ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na magpatupad ng deployment ban sa Saudi Arabia kung hindi magbabayad sa sahod ng mga OFW.

SM food to go Banner Ad

May desisyon na aniya ang korte sa Saudi para bayaran ang mga sinubang Pinoy pero hindi pa rin ibinibigay ng mga employer ang sahod.

Sinabi ni Bello na sumulat na siya kay Pangulong Rodrigo Duterte para ikunsidera ang pagpapatupad ng deployment ban sa Saudi Arabia ngunit wala pang tugon dito ang Malacañang. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.