Abante Tonite Interactive

Bello sa PLDT-MVP: Tigil endo o tuloy kaso

By
189

Inihayag ni Labor Secrtary Silvestre Bello III na makikipagpulong siya sa mga opisyal ng Philippine Long Distance Telephone (PLDT) nga­yong araw, Sabado, para pag-usapan ng regularisasyon ng 50 porsiyen­to ng 7,344 kawani ng kompanya.

“Probably compromise agreement, una nila i-regularize 50 percent, haggle pa ako na baka pwede 60 percent. Pero importante nandun ang regularization plan,” pahayag ni Bello sa press conference.

Sakaling magkasundo ang magkabilang partido sa regularization plan, maaring iurong ng DOLE ang kasong isinampa laban sa PLDT.

“If magkasundo sa regularization plan, baka magkaroon ng mutual withdrawal of our case. In other words, amicably settled na case. That is if mag-agree tomorrow,” ani Bello.

“Wala pa details on the employees. Yung 50 percent very substantial compliance,” dagdag pa nito.

Kasalukuyang nakabin­bin sa Court of Appeals ang kasong inihain ng DOLE laban sa PLDT na may kaugnayan sa pagtanggi ng kompanya na iregular ang 7,344 kawani ng mga ito.

Samantala, pinuri ni Bello ang Dole Philippines, Inc., dahil sa pag­lagda ng memorandum of agreement (MOA) on Hiring Commitment kung saan ireregular ang 4,765 na kawani nito. Nauna nang niregular ng Dole Phils. ang 1,962 manggagawa nito bilang pagsunod sa kautusan ng DOLE.