Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Belmonte hindi pa ‘recovered’ sa COVID

0 175

Nilinaw ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na hindi pa siya maikokonsiderang recovered COVID-19 patient.

Aniya, hindi pa kasi tapos ang 14-araw niyang quarantine at naghihintay pa siyang ma-cleared ng health professional.

Pahayag ito ng alkalde matapos ianunsyo ng legal officer ng local government na nakarekober na siya sa sakit.

“My 14-day quarantine is not yet finished, so I am not considered recovered until such time as I am fully compliant with the DOH (Department of Health) protocols and cleared by a health professional,” saad ni Mayor Belmonte.

July 8 inanunsyo ng mayora ang pagpositibo niya sa virus sa kabila ng pagsunod sa mga measure laban sa coronavirus.

Maaaring nakuha raw niya ang virus dahil sa madalas niyang pag-inspeksyon sa mga ospital at sa mga lugar sa lungsod na naka-lockdown. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.