Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Belmonte nadale ng coronavirus sa inspeksyon

0 455

Posibleng sa pag-iinspeksyon nakuha ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang COVID-19.

Ito ang pahayag ni City Attorney Orlando Casimiro matapos na kumpirmahin ni Belmonte na nagpositibo siya sa COVID-19.

“Pagkatapos niyang asikasuhin ang mga papeles sa opisina ay hahanap na siya ng lugar kung saan kailangan niyang inspeksyunin. Kahit weekends ay sinasamahan ko siyang mag-ikot sa mga lockdown areas, health centers, hospitals at iba pang lugar para siguraduhing maayos ang kalagayan ng mga residente at frontliners,” pahayag ni Casimiro.

Sinabi pa ni Casimiro na makikita naman sa mga Facebook post ni Belmonte ang mga pag-iinspeksyon.

Mula sa dating pang-anim na lungsod na maraming kaso ng COVID-19, ang Quezon City ay hindi na pasok sa top 10 dahil sa istriktong implementasyon ng community quarantine guidelines katulad ng pag-lockdown sa mga lugar na mataas ang kaso ng COVID-19.

Leave A Reply

Your email address will not be published.