Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Belmonte nagbabala sa mga condo, subdivision

0 442

Binalaan ni Mayor Joy Belmonte ang sinomang opisyal ng mga subdivision at at condominium sa Quezon City na kaniyang pagmumultahin at ipakukulong kapag humarang o pagbawalan na makapasok sa kanilang lugar ang mga contact tracer sa COVID-19.

Inihayag ito ni Belmonte matapos na makatanggap ng ulat na ilang opisyal ng condo sa Brgy. Santo Cristo at subdivision sa Brgy. Matandang Balara ang humarang sa mga contact tracer at tumangging papasukin sa kanilang lugar.

Tumawag umano ang mga barangay official sa City Epidemiology and Surveillance Unit na mamagitan subalit tumanggi pa rin ang mga nangangasiwa ng condominium at subdivision sa kanilang kahilingan na papasukin ang mga contact tracer.

“Hindi tayo magdadalawang-isip na kasuhan ang mga opisyal ng subdivision at condominium na hindi makikipagtulungan sa ating mga pagkilos laban sa virus,” ani Belmonte. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.