Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Belmonte nagmakaawa kay Bongbong ilaglag si Mike Defensor

0 190

Inalok diumano ng pamilya ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na maglalabas sila ng mga positibong balita tungkol kay dating senador Ferdinand `Bongbong’ Marcos Jr. kung babawiin nito ang suporta kay Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor.

Inilahad ito ni Defensor sa eksklusibong panayam sa kanya ng `Balitang Sapol’ sa Politiko Live.

“Nagulat nalang ako na si Bongbong Marcos ay kinausap nina Mr. Miguel Belmonte supposedly through a conduit kay Marichu Villanueva na kaibigan ko rin ang sabi daw `Basta `wag mong kampihan si Mike, lalabas lahat ng istorya mo sa Philippine Star’,” ayon kay Defensor.

Si Defensor ang nag-iisang magiging katunggali ni Belmonte sa pagka-alkalde sa lungsod.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nabatid na si Belmonte ang standard bearer ng Partido Federal Party (PFP) sa Quezon City noong 2019 at kasalukuyang chairperson nito sa National Capital Region.

“Dahil dun nagsalita tuloy si Bongbong Marcos na hindi at ang paninindigan n’ya ay kay Mike Defensor at kay BingBong Crisologo. At dahil dun malaki ang pasalamat namin,” sabi pa ni Defensor.

Kinumpirma rin ni Defensor na may alyansa umano ang Lakas-CMD at PFP, at personal siyang dinepensahan ni Marcos kung saan, sinabihan pa umano siya na gamitin ang PFP bilang partido sa Certificate of Nomination and Acceptance sa kanyang kandidatura.(Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.