Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Belmonte, Sotto patok na NCR mayor

0 145

Nanguna si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa lahat ng alkalde sa Metro Manila pagdating sa overall performance ngayong 2020.

Batay ito sa resulta ng ginawang non-commissioned survey ng RP-Mission and Development Foundation Inc. na nilahukan ng may 3,500 respondents.

Nakakuha si Belmonte ng pinakamataas na approval ratings na 85% mula sa kanyang mga constituent kaya tinanghal siyang “Top Overall Performer for 2020”.

Ayon kay Dr. Paul Martines ng RPMDinc “Our previous survey, June 2020 NCR Mayor’s Performance Review in addressing and responding to covid19 situations pushed LGU to stepped in their game. This time our survey was conducted with the intention to assess the overall performance of NCR Mayor for the year 2020 and to gauge their re-election bid”.

Ayon kay Atty. Nino Casimiro na laging kasama ni Mayor Belmonte sa mga inspeksyon at iba pang aktibidad sa lungsod, subsob talaga ang alkalde sa trabaho.

“We were not aware of their June 2020 survey. We learned of their latest survey in social media. To a limited extend, naapekto din ang fake news laban kay Mayor Joy at sa QC LGU. Dedikasyon sa trabaho, pag mamahal sa bayan at kasipagan ang napansin kong naging gabay ni Mayor. Walang pahinga yan. Kahit naka CoVid sa pag bisita ng mga quarantine facilities, nang pag galling nya ay patuloy parin ang ikot nya. Walang lingo at holiday sa kanya,” dagdag ni Casimiro.

Sumunod sa kanya si Pasig Mayor Vico Sotto sa ratings na 82%, pangatlo si Manila Mayor Isko Moreno sa 77%.

Pasok din sa Top 5 sina Valenzuela Mayor Rex Gatchalian sa 75% at Marikina Mayor Marci Teodoro sa 72%.

Leave A Reply

Your email address will not be published.