Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Belo, Amer palit kampo

0 474

Blackwater, Meralco gumalaw

Isa pang bagong blockbuster trade ang umalingawngaw sa mga fan ng Philippine Basketball Association(PBA) nang gumalaw ang Blackwater at Meralco sa palitan nina franchise player Rey Mark ‘Mac’ Belo at top point guard Baser Amer.

Iniumang ang balasahan nang magpasa ang magkabilang panig ng swap papers sa Commissioner’s Office sa Libis, Quezon City na maglalagak kay Belo sa Bolts at si Amer sa Elite nitong Martes.

SM food to go Banner Ad

Kasunod ang one-on-one trade nina Belo, 27, at Amer, 28, ang kontrobersyal na pagtungo ni Christian Jaymar ‘CJ’ Perez sa SMB para naman kina Matt Ganuelas-Rosser, Russel Escoto, Gelo Alolino at dalawang first round pick sa 2021 at 2022.

Kabilang ang 6-foot-4 forward na si Belo sa 2016 Gilas special draft bago sumalang sa Dioceldo Sy franchise. Produkto siya ng FEU Tamaraws na na nagkampeon sa 2015 (University Athletic Association of the Philippines (UAAP) at nag-Finals MVP.

2015 first round, seventh overall draft pick ang six-footer point guard na si Amer na may apat na titulo sa National Collegiate Athletic Association (NCAA) nang nasa San Beda Red Lions pa. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.