Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Belo binuko retoke ni Alex

0 1,165

Inamin ni Alex Gonzaga na isa rin siyang produkto ng “salamat po doktor” meaning, may pinaayos din pala siya sa kanyang mukha.

Sa recent YouTube vlog ni Dra. Vicki Belo kung saan ay guest si Alex, inamin ng vlogger/actress na sumailalim siya sa lip thread lifting procedure kay Dra. Vicki.

Sa umpisa pa lang ng vlog ay pinaamin na ni Vicki si Alex na sabihin na kung ano ang ipinagawa nito.

“This is why this vlog is going to be millions (in terms of views). Kasi aamin na si Cathy kung ano’ng ginagawa niya sa Belo. Aminin mo na, sige na, tulungan mo ‘ko,” sey n Dra. Vicki kay Alex.

“Nagpa-dede ako. Charing!” pagbibiro ni Alex.

Sey ulit ni Vicki, “oy, hindi totoo ‘yan. Wala nang pupunta sa akin. Sige na, aminin mo na.”

Kaya naman umamin na si Alex. “Okay fine. Nagpa-thread lift ako sa lips. Don’t judge me,” aniya.

Very slight lang daw ang binago sa lips niya pero ang gusto raw niya talaga ay ‘yung patusok.

“But very slight lang kasi ayaw ni doktora. Pero gusto ko talaga ‘yung parang patusok,” sey ni Alex.

Sabi naman ni Dra. Vicki, ang gusto raw ni Alex ay ‘yung tulad sa lips ni Kendal Jenner.

“Show your kissable, sexy lips,” sabi pa ni Vicki kay Alex.

Angeline tinanggihan ni Kim

SM SuperKidsDay Banner Ad

Masayang ibinalita ni Angeline Quinto sa bago niyang vlog na negative na siya sa COVID-19.

“First time kong ipagpapasalamat na Negative akong tao!!!! My last 7 days of battling the Covid 19 virus and with the grace of God and all your prayers, I am healed! Thank you so much sa pagsama sa akin and hopefully I can inspire everyone that with the right frame of mind and faith in the Lord we can survive this disease,” pahayag ni Angeline sa description box.

Part 2 na ito ng COVID-19 journey vlog ni Angeline kung saan ay idinokumentaryo niya ang 14-day quarantine niya sa bahay.

Aliw na aliw kami sa parteng tinawagan niya via video call si Kim Chiu at niyayaya niyang magkita sila dahil inip na inip na nga siya sa bahay.

“Gusto mo ba puntahan kita ngayon?” sabi ni Angeline kay Kim.

Ang bilis ng sagot ni Kim. “Huh! Hindi, ah!”

Tawa nang tawa si Angeline sa reaksyon ni Kim.

Tinawagan din niya si Erik Santos at tinanong niya ng same question. Hindi naman agad nakasagot ang singer na dating na-link sa kanya.

“Okay na ‘to, nakakapag-usap naman tayo, malinaw naman ang signal,” sey ni Erik.

Sey pa niya kay Angeline, magpagaling daw muna ito at pag negative na, kahit siya pa ang pumunta sa bahay nito. “Lips to lips agad,” sey pa ni Erik.

Sa huli ay ipinakita ni Angeline ang negative result ng kanyang swab test at nagpasalamat siya sa lahat ng friends, family ang supporters na nagdasal para sa paggaling niya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.