Abante Tonite Interactive

Belo: John LLoyd handa nang magbalik-showbiz

1,308

Naniniwala si Dra. Vicki Belo na handa nang magbalik-showbiz si John Lloyd Cruz. Nagkita at nagkakuwentuhan sila ng aktor sa kasal ni Vhong Navarro last Nov. 29. Ibinahagi niya ang parte ng kanilang pag-uusap sa kanyang Instagram account.

“JL seems surprised when I told him how everyone still misses him after 2 years of being absent from the limelight. In a very soft voice, he said how grateful and humbled he was by people’s love and loyalty. I think he’s ready to go back. We can’t wait,” ang caption ni Dra. Vicki sa larawan nila ni Lloydie.

Mahigit dalawang taon na rin simula nang magpaalam si JLC sa showbiz for indefinite leave of absence and since then, nagkasya na lamang ang kanyang mga fan sa mga bihirang pagsulpot-sulpot niya sa social media o ‘di kaya ay sa mga hindi matanggihang showbiz events or small projects.

Maging ang panaka-nakang pagkakataon na nakukuhanan siya ng picture ng ibang tao at pino-post sa socmed ay ikinatutuwa ng kanyang mga tagahanga at umaasa silang isang araw ay magbabalik din ito sa showbiz at sa pag-arte.

Kung totoo nga ang balitang hiwalay na sila ni Ellen Adarna, marami ang naniniwala na wala namang ibang pupuntahan at babalikan si JLC kungdi ang showbiz din.

At mukhang malapit na nga ito tulad ng sinabi ni Dra. Belo.