Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Belo, Meralco balik sa giyera

0 53

Mga laro ngayon (DHVSU, Bacolor)

2 pm – Dyip vs. Meralco

4:35 pm – Blackwater vs. NLEX

Sept. 3 pa huling lumaro ang Meralco, pagkatapos ng 91-76 loss sa TNT ay garahe na ang Bolts sa ilalim ng health and safety protocols ng PBA.

Natapos ang quarantine, babalik ang hukbo ni coach Norman Black sa Don Honorio Ventura State U gym sa Bacolor, Pampanga para harapin ang Terrafirma sa first game mamaya.

Nasa No. 2 ang Bolts sa 5-2 card, pagkatapos ng three straight wins ay nadalawahang sunod ang Dyip (3-6) at dumausdos sa 10th.

Magkakaalaman kung kinalawang din ang Meralco, o kung nakabuti ang halos dalawang linggong layoff.

Mainam ang depensa ng Bolts sa unang pitong laro, naigagapos sa 83 points lang ang mga kalaban.

Para mapaypayan ang tsansa sa playoffs, kailangang gumana muli ang opensa nina Chris Newsome, Mac Belo, Nards Pinto, Allein Maliksi, Raymond Almazan, Reynel Hugnatan at Alvin Pasaol. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.