Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Belo, Meralco sulit kay Caram

0 49

Hindi napapansin ng karamihang nanonood, pero si Meralco guard Anjo Caram ang isa sa mga nakakasulit ng bawat minutong binibigay ni coach Norman Black.

Madalas, pinakamaliit ang 5-foot-7 frame ng playmaker sa court pero matinik. At nakakatinik.

Nabanggit noon ni Jimmy Alapag na si Anjo ang pinakamainam na on-ball defender sa liga.

Pinapa-pogi niya ang teammates, lalo na sina Mac Belo at Chris Newsome.

“Anjo is a great teammate with amazing work ethic,” ani Newsome. “When he’s on the court, he gives everything he has.”

SM food to go Banner Ad

Bago natigil ang 46th PBA 2021 Philippine Cup mula Aug. 4, kumubra ng back-to-back wins ang Bolts tungo sa 4-1 card at inokupahan ang No. 4 sa standings.

Palitan sa backcourt ng Meralco sina Aaron Black, Nards Pinto at Caram.

Pero sa limang laro, dalawang beses pa lang tinawag ni coach Norman ang pangalan ni Caram. Hindi naglaro ang guard mula San Beda sa huling tatlong matches.

Inaasahang handa na muling mambulabog si Caram pagbalik ng pro league sa Don Honorio Ventura State University.

Kung hindi Miyerkoles, Huwebes ang re-start ng all-Pinoy co nference sa Bacolor, Pampanga. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.