Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Belo pasiklab sa Blackwater

0 109

STANDINGS

TEAMS W L

San Miguel Beer 1 0

Barangay Ginebra 1 0

Talk ‘N Text 1 0

Blackwater 1 0

Magnolia 0 1

NLEX 0 1

Alaska Milk 0 1

Phoenix 0 1

Meralco 0 1

NorthPort 0 1

TerRafirma x x

Rain or Shine x x

Mga laro ngayon:

(AUF Sports Arena & Cultural Center)

4:00 n.h. – Rain or Shine vs San Miguel Beer

6:45 n.g. – Terrafirma vs Talk ‘N Text

Isinabog ni Mac Belo ang mahalagang 16 points upang makabalik ang Blackwater buhat sa 11 points down patungo sa 96-89 come-from-behind win kontra NorthPort sa Day 2 ng 45th Philippine Basketball Association (PBA) Philippine Cup 2020 eliminations sa AUF Sports Arena and Cultural Center sa Pampanga Lunes ng gabi.

May six rebounds at 2 assists pa sa 20:09 job ang forward upang ibuhol ang Bossing sa quintuple-tie sa early lead kasama ang defending champion San Miguel Beer, Barangay Ginebra San Miguel, at TNT at Phoenix.

Nakatuwang ni Belo ang top scorers na may tig-17 pts. na sina Roi Sumang at Don Trollano, na ‘di natapos ang game dahil sa injury. Pero ang bangis ni Belo ang nagbentahe pa sa mga pabango ng hanggang 17 at ‘di na kinayang habulin ng Batang Pier.

Maangas ang simula ng NorthPort sa 9-0 lead sa opening stanza sa pitong puntos na kinayod ni Garvo Lanete. Pinalobo pa ito sa 11-point biggest lead ng team makaraan ang 3-point play ni Christian Standhardinger, 15-4, may 8:23 sa orasan.

May 23 points si Standhardinger para pamunuan ang opensiba ng Batang Pier.

Naka-deadlock sa salpukan ang Bossing, 36-all, mula sa lay up ni Mike Tolomia, 6:26 sa second. Bago muling sumipa ang mga alipores ni Pido Jarencio para sa muling sa 47-38 edge patungo sa 15-minute halftime break.

Ang mga iskor:

Unang laro

BLACKWATER – Trollano 17, Sumang 17, Belo 16, Daquioag 13, Magat 8, Tolomia 8, Desiderio 4, Salem 3, Dennison 3, Canaleta 3, Golla 2, Shaw 2.

NORTHPORT 89 – Standhardinger 23, Anthony 22, Lanete 14, Elorde 7, Nabong 7, Taha 5, Manganti 3, Ferrer 3, Sabido 3, Cruz 2. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.