Abante Tonite Interactive

Ben Affleck, Lindsay Shookus hiwalay na

508

SI Ben Affleck ay balitang nakipaghiwalay muli sa kanyang kasintahang si Lindsay Shookus.

Ang magkarelasyon ay naninirahan sa magkabilang panig ng bansa. Malaking factor ang pagiging malayo nila sa isa’t isa sa desisyon nilang muling maghiwalay ng landas. Si Lindsay ay may isang anak sa dating asawa at may trabaho sa New York. Si Ben naman ay may pamilya at trabaho sa LA At kahit pa nga nagmamahalan at iginagalang nila ang isa’t isa, napagtanto nila na hindi ito gagana.

Pero kahit hindi na sila magkasama ay naroon pa rin ang pagmamahal nila para sa isa’t isa. Halos isang taon din silang nagsama kaya naman marami na silang masasaya at malungkot na alaalang pinagsaluhan. Masakit din para sa kanilang dalawa ang desisyon nilang maghiwalay ng landas.

Abante Hiring – IT dep

Sinabi ni Lindsay na nagkaroon ng isang positibong impluwensiya sa buhay ni Ben nang muli silang magbalikan noong nakaraang buwan. Bumalik ang maganda nilang pagkakaibigan sa simula kaya naisip nilang iyon na ang tamang panahon para muli silang magsama. Si Lindsay ang number one supporter ni Ben.

Ayon pa sa isang taong malapit sa mag-asawa, nakipagbalikan si Lindsay kay Ben dahil sa naging desisyon nitong bumalik sa rehab. Naniniwala siyang nagbago na nga ang kasintahan.

Si Ben ay dati nang kasal kay Jennifer Garner mula 2005 hanggang 2018.

Noong nakaraang tag-init ay kinumbinse niya si Ben na bumalik sa rehab kasunod ng isang hamon na wakasan ang kanyang relasyon kay Lindsay.

Ito ‘yung mga panahong nagkaroon siya ng panandaliang relasyon sa modelong si Shauna Sexton.

Nagkaroon sina Ben at Jennifer ng mga anak na babae na sina Violet, 13, Seraphina, 10, at anak na si Samuel, 7. Naaprubahan ang kanilang diborsyo noong nakaraang taon.

Sa totoo lang, ginawa naman daw lahat ng paraan nina Ben at Lindsay para magkaayos. Pero kailangan muna nilang magkalayo para mapagtanto nila kung ano ba talaga ang problema.

Samantala, ang dating mag-asawang sina Jennifer at Ben, parehong 36, ay nakitang magkasamang inihahatid ang kanilang mga anak sa paaralan sa Brentwood nito lamang nakaraang Martes. Napakagandang pagmasdan na nagkakasundo ang dating mag-asawa ilang buwan matapos nilang opisyal na ipawalang-bisa ang kanilang kasal. (Lourdes Fabian)