Abante Tonite Interactive

Bench press record wawasakin ni Dayao

0 106

Susubukan ding gibain ni national powerlifting boys multiple record holder at many-time champion Jose Dayao III ang 5-year-old national single lift bench press mark ni Mark Lary Padullo ng University of the East sa sambulat ngayon ng 2019 PH National Classic Bench Press Championships sa Palacio de Manila.

Kakabura lang ni Dayao, ang pambato ng ­Cyber Muscle Gym Team at Ramon Magsaysay High School-Manila, ng apat na pambansang marka sa boy’s 43kg devlopmental division sa nakalipas na buwang ­Philippine Raw, Luzon Open and National Interschool Powerlifting Championships sa Quezon City.
Pag-aari na niya ang record sa squat -97.5kg, bench press – 52kg, deaflift-100kg, at total -249.5kg.

Positibio ang father-coach ni Dayao na si Cirilo Dayao na makapagpapakita nang magarang laro ang anak dahil na rin sa masipag sa praktis.
Lalaban din sa buhatan sina John Mathew Manalang, Andre Amador, Vlademeer Sorezo, at Neil Macayer.