Abante Tonite Interactive

Bench sagot vs Tunisia – Guiao

0 289

Lalim ng bench ang nakikita ni coach Yeng Guiao na bentahe ng Gilas Pilipinas laban sa Tunisia.

Nagkaalaman kagabi kung nasamantala ng Filipinos ang edge sa unang laro sa classification round ng 18th FIBA World Cup 2019 sa Beijing, China.

Kapag nanalo ang Pilipinas sa Wukesong Sport Arena, buhay pa ang tsansa para sa 2020 Tokyo Olympics. Kailangan muli nilang talunin ang Iran bukas, Linggo.

“Tunisia has a lot of size and they also have NBA talent, but what we see as an advantage would be our deeper rotation,” lahad ni Guiao bago ang Group N match.

Anim sa players ng Tunisia ang laging babad.

“So if we could perhaps tire them out or get some of them in foul trouble, it would really help us,” dagdag ng coach.

Nag-a-average ng 32 minutes sa loob si 7-foot-1 center Salah Mejri ng Dallas Mavericks sa tatlong laro ng Tunisia sa group phase, isa rito ang naipanalo nila kontra Iran nang mag-log siya ng 36 minutes.

Bawat laro ay nakakapagsumite si Mejri ng 17 points, 10 rebounds, 2.3 assists at 2 blocks.

Nakaka-30 minutes din sina point guard Omar Obada, guards Michael Roll at Mourad El Mabrouk, at forward Makram Ben Romdhane.

Si naturalized Andray Blatche ang may pinakamahabang minuto sa Gilas, naka-42 sa overtime loss sa Angola nitong Miyerkoles.

Nitong Lunes ay nanalo ang Tunisia 79-67 sa Iran, mahigpit na karibal at hirap talunin ng Pilipinas sa Asia. (VE)