Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bench sanitizer `di ligtas gamitin

0 113

Nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) sa publiko kaugnay sa posibleng panganib sa pagbili at paggamit ng hand sanitizer na gawa ng kompanyang Bench ni Ben Chan.

Sa isang advisory, sinabi ng FDA na hindi ligtas gamitin ang Bench Bratsplash Instant Hand Sanitizer Gel With Moisturizing Aloe Strawberry Shake dahil sa paglabag sa Food and Drug Administration Act of 2009.

Ipinaliwanag ng ahensya na nilabag ng Bench ang nasabing batas dahil sa pagbabago o karagdagan sa impormasyon ng kanilang produkto na hindi nakasaad sa unang Certificate of Product Notification na inisyu ng FDA dito.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Natuklasan umano ng FDA ang nasabing paglabag sa isinagawa nilang post-marketing surveillance (PMS) sa produkto ng Bench.

Batay sa ahensya, sa ilalim ng Article II, Section 2 ng Rules and Regulations kaugnay ng implementasyon ng Food and Drug Administration Act of 2009, bahagi ng tungkulin ng FDA ahensya ang pagsasagawa ng PMS para mabantayan ang mga health product sa merkado.

Pinayuhan ng FDA ang publiko na tiyaking mabuti kung ang bibilhin nilang produkto ay may notipikasyon mula sa ahensya para makasiguro ng kaligtasan sa kanilang kalusugan.(Mia Billones)

Leave A Reply

Your email address will not be published.