Abante Tonite Interactive

Benepisyo ng aluminum ‘foil’

By
654

Hindi lamang ­ginagamit ang aluminum foil pantakip sa pagkain para mapanatili itong mainit, marami din itong pinaggagamitan na walang kinalaman sa pagkain.

Alam ba ninyo na napakaraming mapaggagamitan ang foil na makakatulong sa inyong pang-araw-araw na pamumuhay?

1. Nakakapagpaga­ling ito ng maliliit na paso kung babalutan ng foil ang maliliit na paso mula 15-20 minuto.

2. Napapalakas ng foil ang Wi-Fi signal. Itiklop ang foil sa rectangle shape ng 4’ by 6’ at i-bend ang makislap na bahagi at saka ilagay sa likuran ng ­inyong ­router.

3. Makakatulong ito na maitaboy ang mga ­peste sa inyong garden. Gumupit ng mga habang foil at ilagay ito sa mga base ng tanim para maitaboy ang mga peste na sumi­sira ng tanim.

4. Nakakakulot ng buhok, hindi na kaila­ngan ng curlers. Maaari nang kumulot ang buhok kapag binalutan ng foil at flat iron.

5. Nakakatanggal ng ­kalawang. Bilugin lamang ang foil at isawsaw sa suka at puwede na itong ikuskos pantanggal ng ­kalawang.

6. Nakakapagpalambot ng brown sugar, ibalot ng foil ang matigas na brown sugar at ilagay sa oven ng 5 minuto sa init na 300 degrees para ito mapalambot.

7. Panlinis din ito ng silverware at alahas. Ilagay ang mga alahas sa aluminum foil, haluan ng ­baking soda at asin, tanggalin makalipas ang 10 minuto bago ­hugasan.

8. Nakakapagpa­talas ng gunting. ­Gumupit lamang ng maraming foil nang pa­ulit-ulit.

9. Puwedeng gawing menudo. Ihulma lamang sa hugis ng embudo.

10. Makakapag­bigay din ng proteksiyon sa inyong mga cabinet at drawer.

11. Puwedeng makatu­long na maging AA ang AAA battery. ­Lagyan lamang ng foil sa pagitan ng baterya at ng coil.

12. Proteksyon sa door knob.

13. Nakakatulong sa pag-alis ng kalawang at dumi sa cast iron.

14. Makakatulong pagtulak sa mga mabibigat na kasangkapan. Lagyan ng foil ang paanan ng mga ­kasangkapan at mas ­magiging madali ang pagtulak para mai­lipat sa ibang lugar.

15. Magiging mabilis ang pagpaplantsa. Mag­lagay ng foil sa iron board pagkatapos ay ilagay ang damit sa ibabaw.