Abante Tonite Interactive

Benepisyo ng bar soap

By
171

Kung akala natin na ang bar soap ay maaari lamang gami­ting panlaba o sabon sa katawan para maging feeling “fresh,” nagkakamali tayo dahil maraming benepisyo ang paggamit ng bar soap.

Sa isinagawang pag-aaral, alam ba ninyo na maraming ­interesanteng mapaggagamitan ang bar soap.

1. Makakapagpalayas ito ng mga insekto sa inyong ­garden kapag inilagay ito sa paligid.
2. Makakatulong ito sa pananahi: makakapagbukas ng mga stucked na drawers at zippers.
3. Nakakatanggal din ito ng namuong masamang amoy sa inyong closet at nakakapagpabango ng mga nakatagong damit.
4. Kaya nitong pulutin ang maliliit na pi­raso ng mga nabasag na baso: basain ang sabon at ikuskos sa lugar kung saan nabasag ang baso.
5. Nakakatanggal ng bug bites pain.
6. Nakakaalis ng mga tilamsik ng pintura. Kuskusin ng sabon ang window panes bago simulan ang pagpipintura. Makakatulong ito sa madaling pag-alis ng mga tilamsik ng pintura.
7. Magiging mas madaling maipukpok sa kahoy kung lalagyan ng sabon ang pako bago ito imartilyo sa matigas na kahoy.
8. Nakakaalis ng leg cramps: ilagay sa bed sheet ang ­sabon sa ilalim ng binti. Ang oil na likha ng sabon ay makaka­tulong para maiwasan ang leg cramps.
9. Nakakapagtaboy rin ng daga ang amoy ng Irish spring soap.
10. Napapatigil nito ang mga alagang hayop sa pagsira ng mga furniture.
11. Nakakapagtanggal ng mabahong amoy ng sapatos.

Hindi mahirap na subukan dahil ang bar soap ay bahagi ng pang-araw-araw nating buhay.