Abante Tonite Interactive

Benepisyo ng gagamba sa bahay

By
0 279

Hindi alam ng nakararami na importante ang gagamba sa loob ng bahay.

Akala lang ng ilan ay nakakatakot ang mga maliit na insektong ito pero may hatid itong benepis­yo sa loob ng bahay.
Sa pag-aaral ay nalaman na ang gagamba ay mahalaga sa kalikasan at sa ating indoor ecosystem.

Pinoprotektahan ka nito sa mga pesteng organismo.

Ang mga gagamba ay may iba’t ibang klase, iyong laging nakatago na agresibo pero hindi naman delikado at ang iba naman ay kumakain ng kapwa nila gagamba.

Sa pinakahuling survey sa 50 bahay sa North Carolina, nabatid na ang bawat bahay ay natuklasan na may mga gagamba kung saan tinatawag itong cobweb spiders at cellar spiders.

Sa kabila na sila ay lumalaban, hindi sila mapanganib sa tao, kumakain sila ng kahit ano, kasama na ang lamok at iba’t ibang uri ng insekto na maaaring kumagat sa tao.

Kung natatakot ka sa gagamba, huwag itong patayin, mabuti pa na ilabas na lamang ito ng bahay dahil karamihan naman ng gagam­ba ay hindi mapanganib. Ilan lamang ang gagamba na mapanganib pero bihira itong makita.