Abante Tonite Interactive

Benepisyo ng mga senior citizen, solo parent, PWD ilalagay na sa ATM

347

Ilalagay na sa Automated Teller Machine (ATM) ang P500 buwanang benepisyo na ipinagkakaloob ng lokal na pamahalaan ng Maynila para sa mga senior citizen, solo parent, person with disabilities (PWD) at Grade 12 student sa Universidad de Manila (UDM) at Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM).

Nabatid na kahapon ay pumasok si Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso sa isang agreement sa pagitan ng mga opisyal ng Pay Maya para mas ma­ging kumbinyente ang mabibiyayaan ng benepisyo.

Sinabi ni Moreno na hindi na kinakailangan na pumunta at pumila sa city hall ang mga benepisyaryo na aabot sa 200,000 para makuha ang kanilang benepisyo.

Sa ilalim ng dating set-up, ang benepisyaryo ay kinakailangan na magpunta pa sa city hall, barangay hall o sports complex at pumila ng hanggang 3 o 4 na oras para makuha lamang ang kanilang benepisyo.

Sa ipatutupad na set-up maiiwasan din na mapagsamantalahan ng mga tiwaling nangangasiwa mula sa city hall at barangay ang pondo.

(Juliet de Loza-Cudia)