Abante Tonite Interactive

Benepisyo sa mga Manileño dodoblehin ni Isko

292

Ipinangako ni Mayo­r Isko Moreno na dodoblehin lahat ng mga programang magbibigay ng benepisyo para sa lahat ng mga Manileño nga­yong taon.

“The first six months were very challenging. Ating dagdagan ang ating energy… brace ourselves because this will be a very busy year. We won’t stop with what we’ve begun. We just started and we will continue giving what is due for the people of Manila in ge­neral,” ayon kay Moreno.

Kasabay nito, hinikayat ni Moreno ang lahat ng opisyal, empleyado at residente ng Maynila na tulungan ang pamahalaang lungsod para makamit ang iisang layuning mapaganda ang buhay ng bawat Manileño.

“Hindi dapat pakinabangan ng iilan ang dapat na pakinabangan ng lahat. ‘Di dapat na tinatamasa ng iilan ang para sa lahat. Panahon natin ngayon, etneb et­neb [2020] na and color of the year is blue,” dagdag pa ng alkalde. (Juliet de Loza-Cudia)