Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Benepisyo sisingilin ng mga health worker

0 63

Nakatakda ang isang malawakang kilos-protesta ng mga health worker ngayong Lunes para ireklamo ang mga hindi nabigay na benepisyo sa ilalim ng Bayani­han 2.

Ito rin daw ay mata­pos mabigo ang Depart­ment of Health (DOH) na ibigay ang mga benepisyo sa loob ng 10 araw.

Noong Agosto 21, nagbigay ng ultimatum si Pangulong Rodrigo Duterte na 10 araw para maibigay ang hinihiling na benepi­syo ng mga medical frontliner.

“Anong petsa na? Wala pa ring gumagalaw sa mga opisyal ng gobyerno. Hindi na ata nakikinig sa presidente ang DOH at DBM at pinipilit pa rin nila ang sariling interpre­tasyon sa Bayanihan 2, nakakadismaya’t nakakagalit ang pagmamati­gas nila,” pahayag ni Jao Clumia, presidente ng St. Luke’s Medical Center Quezon City.

Bukod pa dito, inirereklamo rin ng grupo nila Clumia na iilan lamang ang nakakuha sa pondong inilabas ng Budget Department kaugnay ng iniutos ng pangulo. (Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.