Abante Tonite Interactive

Benham Rise sakop ng EEZ- Pimentel

By
3,046

Ipinaalala ni dating Senate president Aquilino ‘Nene’ Pimentel, Jr. na bahagi ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas ang Benham Rise

Ginawa ni Pimentel ang pahayag sa hearing ng Senate subcommittee sa panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL).

Sinabi ni Pimentel na bagama’t nakapokus ang pagtalakay sa BBL, dapat ding hindi makalimutan ng taumbayan na ang panukalang batas ay sumasakop sa buong bansa at hindi lamang sa Luzon, Visayas at Mindanao.

“We would like to emphasize that Scarborough is ours, that the Kalayaan shores are ours, that the Benham Rise is likewise within our exclusive economic zone as defined by the UNCLOS o United Nations Convention on the Law of the Sea.”ani Pimentel.