Abante Tonite Interactive

Benham Rise

By
503

Una, nakikiramay ang pitak na ito sa pagkamatay ng mga sumusunod;

– Andy Sanchez
– Sir Joey Carlos
at Sen. Edgardo Angara

Ang tatlo ay pawang naging pangalawang ama ko at gumabay sa pagtakbo ng aking napiling propesyon – ang pamamahayag.

Malungkot man, alam ko na nadagdagan naman ang mga magbabantay sa akin sa langit. Sana ay maging mapa­yapa ang paglalakbay ng inyong mga kaluluwa.

Pangalawa, sa kabila ng pagtungo ni Pangulong Duterte sa Benham Rise o ang Philippine Rise, mayroon pa ring batikos mula sa ilang sektor. Mas makabubuti raw na sa West Philippine Sea siya nagtungo at nag-jetski.

Sa akin isang magandang simbolo ang ginawa ni Duterte. Ito ay pagpapaalala sa bansang Tsina na ‘di niya maaaring ulitin sa Benham Rise ang ginawa nilang militarisasyon sa West Philippine Sea. Dahil malaki ang posibilidad na gawin ng Tsina ang militarisasyon sa nabanggit na lugar.
Lord, Kayo na po ang bahala.

Muli, maraming sa­lamat.

BALITAWIT

‘Pare Ko’ (Eraserheads)

O pare ko.. wala namang problema..
Bakit diyan kayo nagpunta…
Nasa kabila, ang mga puwersa ng China…
Hindi ko maintindihan..

‘Wag na nating idaan.. sa ‘ma-boteng’ usapan..
Lalo lang madaragdagan..
Mga istraktura at paliparan…
Anong saklap.. tayo’y naging magkaibigan..
Napupuno ng pag-asa..
Yun pala hanggang do’n lang ang kaya..
Buong dagat inaangkin na!!!

[Refrain]

Masakit mang isipin kailangang tanggapin..
Kung kelan ka na­ging seryoso tsaka tayo ay gagaguhin..

[Chorus]

O, JETSKI!!! ano ba naman ito..
Di ba.. KAHIYA!!!.. nagmukha tayong tanga…
Pinaasa nang pangako…
Langhiyang usapan ito…

O JETSKI!!! ano ba naman ito????
Sabi niya ayaw niyang awayin ang China..
Dehins dapat naniwala..
‘Di nagtagal naging ganun na rin ang tema..
Mga war planes luma­lapag na!

Ba’t ba ang labo nila..
‘Di ko mapinta
Hanggang kelan maghihintay..
Baka Pinoy, ipagba­wal na!!!

BRIDGE:

Pero hanggang nga­nga tayo…
Di biro…
Pananakop nila…
Alam kong nagkaka­babuyan sa mga sinasabi nila..
Pero sana naman ay maintindihan pa…
O pare ko ikaw ba ang pasimuno..
Na si Baste at si Bong Go!
Kailangan lang ay ang iyong paninindigan..
Andito ka ay ayos na..
[Repeat refrain and chorus]