Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Benhur Abalos bagong MMDA chief

0 70

May kapalit na ang pumanaw na Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Danilo Lim.

Kinumpirma ni Senador Bong Go sa text message nito sa Abante Tonite na itinalaga bilang kapalit ni Lim si dating Mandaluyong City Mayor Benhur Abalos.

Sabi ni Go, nakatakda ang panunumpa ni Abalos ngayong Lunes bilang bagong MMDA chief.

“Opo confirm ko lang not announce. Oathtaking tomorrow po,” pahayag ni Go sa kanyang text message.

Nagkasakit si Lim at pumanaw noong nakaraang linggo.

Si Abalos ay anak ni dating Commission on Elections (Comelec) chairman Benjamin Abalos.

Naging alkalde siya ng Mandaluyong mula 1998 hanggang 2004. Naging kongresista rin siya ng lungsod 2004 hanggang 2007 at muling nahalal bilang mayor mula 2007 hanggang 2016.

Ang kanyang maybahay na si Carmelita ang kasalukuyang alkalde ng Mandaluyong City. (Dindo Matining/Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.