Abante Tonite Interactive

Benilde prof nireklamo sa pagbebenta ng thesis

268

Nahaharap sa kontrobersiya ang isang professor ng De La Salle-College of Saint Benilde (CSB) matapos diumanong pagbayarin ang isang estudyante para makapasa sa Thesis subject sa halagang P20,000.

Nagpadala na umano ng reklamo ang ilang estudyante ng CSB sa Commission on Higher Education (CHED) hinggil sa napaulat na anomalya ng isang propesor na nagpapabayad diumano para pumasa ang kanyang estudyante sa Thesis.

Kinumpirma ito ni CHED chairman Dr. J Prospero De Vera III na natanggap na nila ang naturang reklamo pero ibinalik sa eskuwelahan dahil batay sa proseso ay dapat munang imbes­tigahan ng unibersidad ang nasabing kaso.

Ayon pa sa opisyal, seryoso ang nasabing alegasyon at posibleng humantong sa dismissal,­ kaya kinakailangan ng pagsusuri. (Juliet de Loza-Cudia)