Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Benjamin Silva-Netto

0 151

Birthday noong Martes, April 27 ni Benjamin Silva-Netto, ang unang Pinoy Olympian marathoner, kaya siya po ang topic ko ngayon.

Para na rin saluduhan ang kapwa ko marathon runner na retiradong sundalo ng Air Force, tubong Naga City, may taas na 5-4, nag-82 taong-gulang na, at nag-national team player (1962-73) at national coach (1990).

Tinapos po ng ating bida na kilala ring Benjie at Ben, ang 19th Summer Olympic Games men’s 42.195-kilometer race sa Mexico City sa 2:57:19 clocking para pumuwesto sa 49th sa 57 finishers (18 ang nag-DNF). Ito ang best finish ng isang pambato ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA), mapa-Pinoy o Pinay man sa long distance ng quadrennial sportsfest.

Nang panahong iyon, lagare po si Silva-Netto dahil bukod sa marathon ay kumarera pa siya sa 10,000-meter at 5000m run sa Mexico.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Matagal ding nanilbihang opisyal ng PATAFA sa mga kapasidad na secretary general (1991-2014) at technical officia tulad ng race course measurement pagkaraan si Silva-Netto.

Ilang taon ng retiro at nasa New Jersey sa ngayon bilang US immigrant, nag-aalaga sa apo, ang anak ng nag-iisa lang na babae niya mula sa pinakasalang asawa ang mabait at palaging down-to-earth na kapwa natin.

Belated happy birthday po sir Ben.

Leave A Reply

Your email address will not be published.