Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Benjie wapakels kay Kobe

0 119

Inamin ni Philippine Basketball Association legend at comedian na si Venancio ‘Benjie’ Paras, Jr. na hindi siya nakikialam sa basketball career ng anak na si Japan B.League veteran Kobe Lorenzo Paras.

Pero ‘di nangangahulugan na wala siyang suporta sa anak.

“HIndi kasi ako nagpapakita during his games eh. Kasi ayoko nung ‘pag dumating ka people will compare them to you,” pahayag ng 1989 PBA Rookie of the Year-Most Valuable Player sa isang panayam.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Magka-ba ang pamamaraan ng ama sa suporta kay Kobe, at sa kapatid na si Andrei sa kanilang mga career.

“Doon lang ako sa exit nakatayo lang ako. And Everytime na may timeout umaalis ako. Ayokong makikita nila ako habang naglalaro sila,” aniya pa.

Pinanapos nang nakatatandang Paras, na palagi niya lang pinaalalahanan ang kanyang anak na laging makinig sa coach at hindi niya din ito tinuturuan ng kanyang gagawin sa basketball. ‘D rin aniya pinupuri o pinupuna ang ang anak kung magandang game o hindi. (Annie Abad)

Leave A Reply

Your email address will not be published.