Abante Tonite Interactive

Benta ng lechon bumagsak sa ASF

355

Hindi lamang kar­neng baboy sa mga palengke ang humina ang bentahan kundi maging ang mga lechon na ibi­nebenta sa Maynila.

Ayon kay Andoy Dehoco, isa sa may-ari at nagtitinda ng lechon na may puwesto sa Calavite St. at Laloma, nasa 80% ang inihina ng kanilang benta matapos na pumutok na nakapasok ang African Swine Fever (ASF) sa bansa.

Kung dati ay bumebenta sila ng lima hanggang sampung lechon kada araw ngayon ay dalawa na lamang.

Ito ay sa kabila ng pahayag ng Department of Health (DOH) na hindi nakakaapekto sa kalusugan ng tao ang baboy na nagkaroon ng ASF.

Tiniyak naman ni Minda Tentido ng Lito’s Lechon na ligtas na kainin ang kanilang mga panindang lechon dahil araw-araw ay sinusuri ang mga idine-deliver na baboy sa kanila.

Dumadaan umano ang mga baboy sa pagsusuri ng Quezon City Ve­terinary Office bago nila dalhin ang baboy sa katayan at gawing lechon.

(Juliet de Loza-Cudia/Dolly Cabreza)