Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bentahan ng droga sa selda kakalkalin

0 266

IPINAG-UTOS ni Philippine National Police chief Gen. Camilo Cascolan ang malalimang imbestigasyon sa umano’y patuloy na bentahan ng iligal na droga sa loob ng mga kulungan.

“I have directed PDEG (PNP Drug Enforcement Group) to coordinate closely with PDEA (Philippine Drug Enforcement Agency) and BuCor (Bureau of Corrections) to validate the information of the alleged continued operation of illegal drugs activities by a convicted drug lord even while serving sentence inside the prison,” sinabi ni Cascolan sa isang pulong balitaan sa PNP headquarters sa Camp Crame kahapon.

Ang kautusan ay nag-ugat mula sa nangyaring buy-bust operation sa Cebu City noong Linggo kung saan nakuha ang pitong kilong shabu na nagkakahalagang P47.6 milyon mula sa tatlong suspek.

Isa sa mga naaresto ay sinasabing courier na nagbunyag na ang nakuhang mga droga ay mula kay convicted drug lord Rustico “Dikoy” Ygot na ngayon ay nakakulong sa New Bilibid Prison.

Si Ygot ay na-convict sa kasong droga noong 2013. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.